Sabi ng marami na ang pinakamahirap na harapin, lalo na para sa isang manunulat, ay ang blangkong papel. Marami kang naiisip. Maraming kang konsepto. Marami kang gustong sabihin. Eh ano ngayon? Mahirap buuin ang bawat salita upang makabuo ng isang pangungusap na may katuturan. Mahirap ilapat sa papel ang nais mong sabihin na hindi ka magmumukhang bobo.
Hindi ako magaling na manunulat. Sinusubukan ko. Kung minsan ay wala nalang talaga akong masabi kaya pinapaikut-ikot ko nalang lahat ng sinasabi ko. Kung minsan ay paulit-ulit nalang. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Paulit-ulit.
Ngayon, wala nalang talaga akong masulat. Kunwari may sense itong sinasabi ko tungkol sa pagiging isang writer. Pero sa totoo, wala itong sense. Kunwari lang talaga. Medyo tamad ako these past few days. Marami akong iiisip. Long overdue na nga itong blog entry na ito. Basta promise ko, this Friday may katuturan na ang susunod kong entry. Humanda kayo. Bwahahahahahaha!
Random Notes:
*Lapit na concert ni Alicia Keys. Wala pa kong ticket.
*TV PROD. Hihimatayin na ko sa pressure. I just want to get it over with.
*Travel Show naman. Presenting…..Asturias. Joke.
*Nanood ng “100” ng Cinemalaya. The best ito. Nanalo si Mylene Dizon ng best actress!
*May new look ang room namin ni Gelo. Nagulat ako bigla niyang inayos. Saya!
*Will wait…as always. No need to hurry. The past week has been the best week of my life. You should never forget that. I’ll miss you.
manunulat
Posted by
jhong
Friday, July 18, 2008
3 comments:
ito ang tinatawag na "writer's bloc" weh. tama ba spelling? anyhoo. ayos lang yan, may ganitong moments din ako, kaya madalang na rin ako makapagblog. haay. ganon ata pag napprssure. hehe!
@meng: hay sinabi mo pa. katamad na magblog. tsk. ahahaha!
sino ang namimis mo??ahaha-rayne
Post a Comment