luha

Hindi ako iyakin. Kung bibilangin ko kung ilang beses ako umiiyak sa isang taon, siguro mga dalawa lang. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Hindi ako manhid. Hindi ako robot na walang kahit anumang emosyon. Siguro hindi ko lang hinahayaang tabunan ako ng aking kalungkutan. Hindi ko ipinaparamdam sa sarili ko na kailangan nang ilabas ang bawat sakit, galit at pighati.

Masiyahin akong tao. Kapag kasama ko ang aking mga kaibigan, masaya ako. Palabiro. Hindi mo mababakas sa aking mukha ang kalungkutan, kakulangan.

Ngayong ako’y may sarili nang tinitirahan sa may paaralan, madalas ay napag-iisa ako. Sa mga tahimik na sandali lalo na’t kapag kalaliman na ng gabi, ako’y nagiging isang lobo. Joke. Mali, sorry. Uulitin ko.

Ngayong ako’y may sarili nang tinitirahan sa may paaralan, madalas ay napag-iisa ako. Sa mga tahimik na sandali lalo na’t kapag kalaliman na ng gabi ay natatagpuan ko ang sarili na nag-iisip. Maraming bumabagabag sa aking isipan. Marami akong frustrations sa buhay. Ang bata-bata ko pa at pakiramdam ko’y pasan ko na ang mundo.

Sa aking paghiga sa kama, hindi ko namalayang may tumutulo na palang luha sa aking kaliwang pisngi. Hindi ko ito inasahan. Pinunasan ko ito gamit ang aking mga palad. Ngunit natuyo man ang unang luha ay paulit-ulit itong napalitan ng panibago.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Humagulgol ako. Sinubukang pigilan ang bawat hikbi gamit ang malabot na unan sa tabi. Ang bawat luhang tumulo ay isang piraso ng aking pagkatao.

Unang luha: Pagbabago sa Pamilya
Ikalawang luha: Mga luma at panibagong mga Kaibigan
Ikatlong luha: Aberya sa Pag-aaral
Ikaapat na luha: Patuloy na paghahanap ng Pag-ibig
Ikalimang luha: Ang walang katiyakang Hinaharap.

Iniyakan ko ang lahat. Kahit ang mga hindi mahahalagang bagay ay isinama ko na sa aking pag-iyak. Tutal, one time big time lang naman ‘to diba? Once in a blue moon lang nangyayari.

Hindi ako iyakin ngunit sa pagkakataong iyon ay hinayaan kong tabunan ako ng kalungkutan. Ipinaramdam ko sa sarili na kailangan nang ilabas ang bawat sakit, galit at pighati.

Aaminin ko, masarap ang pakiramdam matapos umiyak. Para bang nakahinga ako ng napakaluwag. Parang ang dati-rati’y pasan kong mundo ay unti-unting lumutang mula sa aking mga balikat.

Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga. Pumunta ako sa may salamin. Tiningnan ko ang sarili. Oily. Pero ayos lang. Masaya ako na nalabas ko na ang lahat. Ngumiti ako at tumawa. Tinawan ko ang aking pag-iyak. Nababawan ako. Lumakas pa lalo ang tawa ko. Humahalaklak na. Parang baliw lang.

Pumunta ako ng banyo at naghilamos. Ang sarap ng malamig na tubig. Nagkuskos ng bonggang-bongga. Nagsipilyo ng ngipin.

Bumalik ako ng kwarto, nagpunas, nagbihis.

Napadaan ako muli sa may salamin. Tiningnan ang sarili sa pangalawang pagkakataon. Hindi ako umiyak. Hindi ako tumawa. Naglagay lang ako ng Olay facial cream which fights the seven signs of skin aging.

Random Notes:

*fiNALLY, a long entry. Hindi na ko tinamad!
*Monday, bangag kagad. Inuman with Behavioral Science friends.
*Buong one week sa dorm. I miss family. hihi!
*Sleepover at Betsy's place.
*NSTP on Sunday. Grrrr!
*Shortage of Money. As in.
*RIce binging. Taba!
*Social Dance distraction. Habang sumasayaw ako ay biglang may nag-shirtless na classmate. Na-distract ako at nawala sa sayaw. tsk. napagalitan pa ko. Kasi naman eh... KUNG GUSTO NYO AKO MAKAPAG-CONCENTRATE, WAG KAYO MAGHUHUBAD SA HARAP KO LALO NA KUNG MAY BULGING BICEPS AT ROCK HARD ABS KAYO!
*Gateway with the "pekpeks". Hindi bastos name nyo ah!
*TV Prod exhaustion.

10 comments:

Meng July 3, 2008 at 7:51 PM  

sooo.. nagoolay ka pala? hihi =) kala ko kung anong gagawin mo sa ending eh.

anyhoo. di mo nilagay ang saya mo sa iyong "BABY" haha!

Anonymous July 3, 2008 at 8:10 PM  

yes ume-emo..

wahahahaahaha...funny you..san ka pupunta? papasok ka ba nyan ng school?

funny din ng random notes mo..mag-stand up comedian ka na nga..magtayo kayo ni chandra ng comedy bar! NGAYON NAAAAAA! XD

christopher

Anonymous July 4, 2008 at 5:23 AM  

Isang bagong mukha ng talahayagan ang bumati sa aking mga mata sa aking muling pakikidaupang-palad sa iyong munting aghamatikong tahanan.

Iba ang agos ng damdamin. Iba ang mga salitang pumapaimbulong sa mga talata. Ang pag-lihis sa galak tungo sa pagkalumbay. Yesss. Emoness.

Aaminin ko, nagtatanto tayo pagdating sa mga ganitong aspeto, mga paksang sumasaklaw sa kabiguan, kalungkutan, at hinagpis. Bago pa man ako naging isang senador ay marami ding mga galamgam bagay ang umalimbukay upang hamunin ako sa aking paglalakbay sa ibabaw ng lupa. Ang pagtahak ko sa isang landas na baku-bako at puno ng putik ay isang pagsubok na akin ding iniyakan.

Sa mga aspetong ito, lalo tayong nagtutugma:

Ikatlong luha: Aberya sa Pag-aaral
Ikaapat na luha: Patuloy na paghahanap ng Pag-ibig.
Ikalimang luha: Ang walang katiyakang Hinaharap.

Sinubukan ko silang indahin, pero wala akong napala. Kabiguan at kalungkutan ang aking natamo. Sinubukan kong ilabas ang aking saloobin, ngunit bigo ako.

Umaasa na lang ako na sana ay matulad din ako sa iyong naramdaman, na mapuno muli ng galak matapos ang isang madilim na sandali ng aking mga sandali.

Wait, ako din eemo...

Umaasa na lang ako sa sandaling abutan man ako ng takipsilim at muli nanaman akong balutin ng dilim... Aasa na lang ako sa sandaling muli kong masilayan ang susunod na pagbubukang-liwayway.

XOXO
CHIZ, MULING NAKIKIDAUPANG-PALAD...

Anonymous July 4, 2008 at 7:14 AM  

natawa ako sa lobo at olay...haha!=] nway, it's good na nilabas mo yang lungkot mo. We have some same frustrations..hehe...bsta just remember to cast all your cares upon the Lord, especially during the times that you don't know what to do. =) wala lang nashare q lng hehehe...bsta makakaya ntn lht ng pressures. Go go go lang! aja aja!(^_~)v God bless!(",)

*hi naman sa bebe mo!=p hehehe..=D

jhong July 5, 2008 at 4:34 AM  

@meng: i want to go to China! joke. nako, malapit na matupad ang plano ko kay baby. bwahahaha!

@christopher: sige mamaya.

@chiz: wowoweeee! ang swerte ko naman na nag-comment kayo dito.

@esfrey: hindi ko korean ah! aja! oo naman, trust the Lord. yipeeee!

*sorry sa corny replies ko. wala ako sa mood, nasa kwarto ako. ngye!

Anonymous July 5, 2008 at 7:26 AM  

samahan kita iyak.eheheh ...alam mo naman magaling ako dyan.nakakapagod nga..haggard mode..dmi assign..ei c kuya na sinasabi mo nung isang araw..d ko xa type...dun padin ako sa bb mo-rayne

jhong July 6, 2008 at 5:54 AM  

@rayne: ayaw mo c kuya? cute kaya. ahahah! anyway, tawagan kita pag kelangan ko ng kasama umiyak. ahahha!

Anonymous July 6, 2008 at 7:23 AM  

jhong, huhuw. wala lang, okay lang naman umiyak minsan, lalo na pag lagi kang masayahin. sasabog ka talaga, once in a while. see you tommorow. wala pa ko ni isang hw na nagagawa as of 11pm 7.6.08. har.

Anonymous July 6, 2008 at 9:11 AM  

weeeeeh. jhong, parang kanta lang ng aegis a. bow.

buti na lang di ka narinig nila ate jackie nung humagulgol ka? tsk.tsk. bad shot ka na naman kay lola. huw.

sige, bye. see you later. Ü

-hindi ako si KAT. mas lalong hindi ako si PEN.

jhong July 10, 2008 at 8:40 PM  

@julie: salamats sa comment. gawa ka na hw...ay tapos na pala ung deadline. wahahah!

@pen; kailan ko lang na-gets ung aegis joke. oh No! slow.....

isang wirdo!! wirdo!!!!!!!!!!!!!!!

About The Writer


Jhong Valencia spends most of his time surfing the net, downloading tv series, watching movies, writing blog entries, reading books, smoking cigarettes and drinking coffee. He's 21 years old.