Dahil Mahal Na Araw ngayon, pag-usapan natin si Janina San Miguel.
Walang koneksyon, alam ko.
Siya ang nagwagi bilang Bb. Pilipinas-World.
Si Janina ang laman ng mga usap-usapan kamakailang dahil sa mali-mali niyang Ingles sa nasabing patimpalak. (PIC: she's the one in the middle)
Ano ang masasabi ko tungkol dito?
Hindi ko makakaila at hindi rin naman ako impokrito para sabihing hindi nakakatawa ang ginawa ni Janina. Dahil in all fairness, laughtrip talaga!
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, naaawa ako sa kanya.
Naawa ako sa paraang masyado siyang hinusgahan ng mga tao at nasabihan pang "bobo" o kaya "tanga" dahil lamang sa mali ang kanyang mga Ingles.
Hindi natin pangunahing wika ang Ingles at kahit na pinag-aralan natin ito mula noong tayo ay bata pa, hindi naman natin masasabi na eksperto na tayo dito.
"Bakit hindi nalang siya nag-tagalog?" tanong ng marami.
Duh! Unspoken Rule na kaya yun na kapag nasa beauty pageant ka, kailangan Ingles ang gagamitin.
At least she tried. The important thing is, she tried.
Hindi kailanman magiging basehan ang pagiging magaling sa Ingles upang masabi na matalino ang isang tao.
Nagiging matalino ang isang tao dahil sa kanyang mga naging karanasan sa buhay, sa kung paano niya nalagpasan ang bawat problemang dumaan sa kaniya.
Masyado lang talaga siguro tayo naging mapanghusga.
Wala naman masama kung siya ang ilaban natin sa international contest. Si Miss Japan nga eh, may interpreter last year pero siya parin ang nagwagi bilang Miss Universe.
Sa totoo lang, wala naman pakialam yung mga taga-ibang bansa kung magaling tayo sa Ingles dahil alam naman nila na hindi natin ito pangunahing wika.
Edi magdala din tayo ng interpreter doon! Malay mo siya pa ang magwagi!
Go Janina!
Random Notes:
*Visita Iglesia yesterday. Heat Explosion! Sucks!
*Reading "Last Summer" by Michael Thomas Ford. Some gay novel I found at Booksale. Quite an interesting read.
*Stopped reading "I Know This Much Is True" for a while. Ang haba eh!
*Finals are over! Can't wait to see my Philo grade. Fingers crossed.
*Also can't wait for my summer class. Dying over boredom here.
*Outing next week. Batangas diba? See you blockmates! Punta kayo ha!
oh no she didn't!
Posted by
jhong
Friday, March 21, 2008
9 comments:
kaya lang ang pangit dn ng sagot nia nun eh hahhaha..kung d nga lang eengot engot sagot nia malamang d rin xa nanalo...pero magnda xa compared sa iba pa eh
@rayne: i still love her! idol ko na sya. ahahahhahah!
hahaha i love her too
Hello..bloghopping..
I like her too..Janina..lovelove..
I'm sorry I have to do this fast, my husband is calling me at the other room..
Take Care in your outing guys, Wish I could cum! I mean, come!
XOXO,
CELY!
@cely: ang bastos mo ma'am! i love it.
wahahahaha! :D may blog din ba si mam cely??
sana lang inayos na rin nya yung sagot nya. hehe :) pero kawawa din sya. sobraang nalalait. ang tanong ko lang, bakit sya yung nanalo? hehehe :D
wahahahaha! :D may blog din ba si mam cely? pasend ng link. HAHAHAHA! O_O
sana lang inayos na rin nya yung sagot nya. hehe :) pero kawawa din sya. sobraang nalalait. ang tanong ko lang, bakit sya yung nanalo? hehehe :D sama.
tell me about ust! hehe... kinakawawa tlg nila ang mga irreg!.. esp s AB. nkOh!
@kristianne: nako walang blog yang si ma'am cely. dakilang lurker. hahahah!
@laura: bat dito napunta comment mo? anyway, kawawa talaga mga irreg. you just really have to be patient until you graduate.
Post a Comment