batangas babeh!

I first thought of doing my pinoy big brother entry but since I just had my first summer outing which was super fun, I decided to do that one instead. My blockmates and I went to Batangas last Tuesday. Late ako! Very embarrassing.



They kept calling me to ask where I was. Ako naman, “Fx pa eh. Faura na!” and then after a few minutes, “Jeep na. Sobrang lapit na promise.” When I finally arrived, everyone was already there and they really literally just waiting for me! Sobrang nakakahiya! Sorry ulet guys. Love you all! I had fun with the ride. Sobrang sikip. Siksikan!




What would I remember most about the outing? THE FOOD! Tipid na tipid kami. Laughtrip talaga! We were like, “5 scoop of rice for each (using a plastic spoon!) and 7 pieces of liempo (which was cut into small pieces!). Wala pa sa esophagus ko yung kinain.




I also had the chance to cook breakfast with Tere and Colet. Ang hirap pala magluto ng scrambled egg at pancit canton for 25 people! Ahahahaha! I had fun though. I just love the thought that I HELPED in some way. Wala akong pinapatamaan! Kidding. Oy, namalengke din ako ah. Freaky experience cause the girl killed the fish in front of us, taking out the heart, the insides and everything. Then when I held the plastic with the fish, it was still moving like crazy. Waaaaaah!





Swimming was also great. I didn’t get a tan because I swam late at night which was okay. I don’t really wanna get darker this summer. I’m dark enough, thank you.



Random Notes:

*Just this morning, I was listening to Nicole and Cris(?) of Love Radio. (oo na, avid listener na ko) They had this top 5 list on how to know if a guy is bisexual:

5. Nagsusuot siya ng skinny jeans at kung naka-polo, yung collar ay laging nakataas.
4. Kung hindi siya skinhead, may highlights naman ang buhok.
3. Sobra siyang malinis sa katawan. Matagal masyado sa banyo.
2. Ang kanyang pouch or bag ay may powder, lipgloss, at petroleum jelly.
1. Ang kanyang laptop, iPod or cellphone ay may M2M videos (male to male).

May pahabol pa na texters:

1.1. Kapag siya ay may downlink at guys4men account.
1.2. Kapag siya ay nakikinig sa kanyang iPod ng Mariah Carey, Regine Velasquez o kaya Pussycat Dolls.

I am not bisexual and I never will be. I only like men! Forever! Ahahahah! The top 5 list doesn’t apply to me at all. Pati yung 1.1 hindi parin! I’m only guilty with 1.2. Mariah Fan talaga ako! I also think Regine is the best singer in this country kahit alam kong maraming may ayaw sa kanya.

*Next week nalang yung pbb. May problem kasi ako sa ear- Priscilla. Love her! And Ejay and Robi. Hihi! Si Beauty pa pala!
*Petrified to know my grades! Pwede na raw makita sa main building. Waah!
*Can’t wait for my summer classes. Bored na ko.
*Clearance on April 8. Wanna see my blockmates badly! Miss ko na kayo.
*April 15. MC’s album!

oh no she didn't!

Dahil Mahal Na Araw ngayon, pag-usapan natin si Janina San Miguel.

Walang koneksyon, alam ko.

Siya ang nagwagi bilang Bb. Pilipinas-World.

Photobucket

Si Janina ang laman ng mga usap-usapan kamakailang dahil sa mali-mali niyang Ingles sa nasabing patimpalak. (PIC: she's the one in the middle)

Ano ang masasabi ko tungkol dito?

Hindi ko makakaila at hindi rin naman ako impokrito para sabihing hindi nakakatawa ang ginawa ni Janina. Dahil in all fairness, laughtrip talaga!

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, naaawa ako sa kanya.

Naawa ako sa paraang masyado siyang hinusgahan ng mga tao at nasabihan pang "bobo" o kaya "tanga" dahil lamang sa mali ang kanyang mga Ingles.

Hindi natin pangunahing wika ang Ingles at kahit na pinag-aralan natin ito mula noong tayo ay bata pa, hindi naman natin masasabi na eksperto na tayo dito.

"Bakit hindi nalang siya nag-tagalog?" tanong ng marami.

Duh! Unspoken Rule na kaya yun na kapag nasa beauty pageant ka, kailangan Ingles ang gagamitin.

At least she tried. The important thing is, she tried.

Hindi kailanman magiging basehan ang pagiging magaling sa Ingles upang masabi na matalino ang isang tao.

Nagiging matalino ang isang tao dahil sa kanyang mga naging karanasan sa buhay, sa kung paano niya nalagpasan ang bawat problemang dumaan sa kaniya.


Masyado lang talaga siguro tayo naging mapanghusga.

Wala naman masama kung siya ang ilaban natin sa international contest. Si Miss Japan nga eh, may interpreter last year pero siya parin ang nagwagi bilang Miss Universe.

Sa totoo lang, wala naman pakialam yung mga taga-ibang bansa kung magaling tayo sa Ingles dahil alam naman nila na hindi natin ito pangunahing wika.

Edi magdala din tayo ng interpreter doon! Malay mo siya pa ang magwagi!

Go Janina!

Random Notes:

*Visita Iglesia yesterday. Heat Explosion! Sucks!
*Reading "Last Summer" by Michael Thomas Ford. Some gay novel I found at Booksale. Quite an interesting read.
*Stopped reading "I Know This Much Is True" for a while. Ang haba eh!
*Finals are over! Can't wait to see my Philo grade. Fingers crossed.
*Also can't wait for my summer class. Dying over boredom here.
*Outing next week. Batangas diba? See you blockmates! Punta kayo ha!

My Holy Crush

Three Sundays ago I heard mass and as usual I was in twilight zone, thinking of other things far more interesting and occasionally sitting and standing when other people did.

Opening song…(thinking of my friends)

Responsorial Psalm…(thinking of what I would do after mass)

Homily…(thinking of school)

Prayer of the Faithful…(thinking of my crush)

Offertory…(thinking of American Idol)

Ama Namin…(thinking of what I should do to lose more weight)

And then Communion started. I never really do that. I don’t even remember the last time I had a communion. Again, hindi ako satanista. I just have a different belief.

I stare a lot. Hindi ko alam kung bakit pero ganun lang talaga. Lalo na kung sa simbahan, kapag may nakita akong isang tao, lagi ko na siyang titingnan sa buong isang oras ng pagsisimba. Weird. Creepy! Stalker mode na naman.

So Communion nga diba, tapos tingin ako ng tingin sa mga tao. Scanning all the faces, wanting to see someone that I knew. Maybe a batchmate or a long-lost friend. And then my eyes fell on this guy who was wearing an all-white ensemble. He had this bushy eyebrows which always appealed to me, a goatee that made him extra sexy, a great stature, smiling eyes and a melting smile.

I was so enchanted to the point of being hypnotized by the looks of this guy that I didn’t realize that he was actually standing in front of the aisle, facing the people who were in line, giving this white thingy to each of them.

OH NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!

Anak naman ng Chicharon o! Pari pala ang puta! (sorry sa bad word)

At first, I thought he was just a minister, layman, deacon or whatever. But then he gave a talk after the mass. He’s from Don Bosco Nueva Ecija daw! They were asking for help financially. I couldn’t really concentrate on what he was saying because I couldn’t get over the fact that this young and oh-so good-looking guy was a priest.

Is it wrong to have a crush on a priest?

Hindi ko alam. Siguro naman hindi. Crush lang naman diba? Andame ko na atang kasalanan kay God. Ayoko nang dagdagan pa ang mga ito. Siguro kung kakausapin ko si God, ano kaya mangyayari?

Ako: Uy, nakita ko yung isa mong alagad. Medyo cute. Akin na lang. Pakawalan mo na, please?

God: NO! Hindi maari. Konti na nga lang ang mga pari at madre, kukuhanin mo pa!

Ako: Pero God, kahit siya lang ang pakawalan mo. Hindi ko matanggap eh! Magpapakabait na ko, promise.

God: Naku Jhong, ilang beses ko nang narinig sa’yo yan.

Ako:
This time, it’s for real na!

God: Wushoooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ako: Trulalooooooo! Malay mo kami talaga para sa isa’t isa.

God: Hinde noh! Ambisyosa ka! Bwahahahah!

Ako: (starts to sob)

God: Don’t cry na my dear. I have someone for you naman eh. Just wait.

Ako: Weh?!?!!?!? No joke?

God: Oo! Promise!

Ako: Sige na nga. I’ll let this go na!

God: Just be a good boy, okay?

Ako: Sureness, God! Love yah to pieces!

God: Love yah to pieces chicken joy with extra rice!

Ako: NGYE!

Anyway, I’m not mocking God. Ganyan lang talaga kami mag-usap sa araw-araw na ginawa niya.

On a not-so-light note:

BAKIT SI DAVID HERNANDEZ ANG TINANGGAL SA AMERICAN IDOL?!??!!?!

dave1

SIYA PA NAMAN ANG NAG-IISANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NANONOOD EVERY WEEK!

IS IT BECAUSE HE WAS ONCE A GAY STRIPPER AND RUMORED TO HAVE A BOYFIREND FOR TWO/THREE YEARS?!?!?!

PEOPLE CAN BE SO UNFORGIVING.

I KNOW HE WASN’T REALLY GOOD THIS WEEK BUT IT WAS STILL NOT HIS TIME TO GO!

dave2

WAAAAAAAAHHHHHH!

NAWALAN NA TULOY AKO NG GANA MANOOD NG A.I.

I’LL DEFINITELY MISS DAVID!
SA YOUTUBE KO NALANG TULOY SIYA MAPAPANOOD AND IF EVER, SA REUNION NG MGA CONTESTANTS SA FINALE.

Random Notes:

*Nag-start na ang finals! Eeeeekkk!
*We don’t have classes today but I told everyone here at home that we do. So, maglalakwatsa ako. May allowance pa ako for the day! Evil me.
*Maybe I’ll watch “Meet The Spartans”. I hope it’s not a trying-hard-to be-scary movie-kind of film. Na-disappoint na ako before sa “Epic Movie”. Waste of my time and money!
*Holy Week na! Seventh Heaven Marathon na naman sa Studio 23.
*Have a great weekend. =)

impulsive

I’m impulsive. Marami na akong ginawang mga bagay na hindi ko pinag-isipan. I don’t know if it’s a good thing or a bad one. Since I don’t like routines, I try to be spontaneous in everything that I do. I love it when an idea comes to me out of nowhere. Most of the time, it pays off. But other times, it doesn’t.

For example, my pierced eyebrow. I thought of getting one right away. I didn’t even think about it for a week nor did I weigh the pros and cons of getting one. After four months, I stopped wearing the eyebrow ring(?). I’ve outgrown it. I’m over that stage, I guess.

I also tried to smoke. Not to fit in. Not to be cool. But just to try it once in my life. I quit after three months because I wouldn’t want to have a hard time quitting once I get REALLY addicted. But then again, smoking was liberating for me.

I bought seven books in the last two weeks. When I see rare books in BookSale, I buy it right away especially when they are from Oprah’s Book Club or something Pulitzer-Prize winning. I rarely see Nicholas Sparks there, though. Kainis! Puro Stephen King, Patricia Cornwell at Danielle Steele. I don’t know when I’m going to finish all these books. Siguro sa summer.

Lagi din akong nanonood ng sine na hindi ko naman pinaplano. Kapag wala akong magawa sa bahay, pupunta nalang ako ng SM Bicutan at manonood ng kahit ano. Kahit hindi ko masyadong trip yung movie, basta may magawa lang.

I love Quiapo. I’m a very impulsive dvd buyer. I make it a point to buy dvds once a week. May suki na nga ako eh, si Ate. Fonny! Syempre hindi ako pumupunta ng Friday. Sobrang traffic! Ang dame ko nang dvds pero hindi lahat napanood ko. Yung iba nga nakatambak na!

Hay nako! At ang pinaka-impulsive move ko ay ang paglilipat ko ng school. Kasi naman dapat nagi-inquire muna ako dabah! Nag-stop pa tuloy ako ng one sem. Hehe! Pero I’ve learned from my mistake. Siguro sa UST talaga ako dapat. Siguro mas marami akong matututunan doon. Maraming mga makikilalang kaibigan. At baka dun ko SIYA makilala. Ahahaha! ASA!

I love the fact that I am impulsive. Pero siguro okay lang ito kung sa maliliit lang na bagay ang pinag-uusapan. Pero kung malaki na at life-changing, kailangan siguro pauli-ulit ko munang pag-isipan bago ako kikilos.

Random Notes:

*Mariah has a new vid. It’s so funny. Ang cute ni Jack McBrayer! Check it out.



*Tapos narin ang Philo paper! Sana makonsensya ako sa mga pinaggagagawa ko. Tsk!
*Finals na next week. The end is near! Wuhoo!
*Currently reading, “I Know This Much Is True” by Wally Lamb.
*Debate today. Let’s see how it goes.

About The Writer


Jhong Valencia spends most of his time surfing the net, downloading tv series, watching movies, writing blog entries, reading books, smoking cigarettes and drinking coffee. He's 21 years old.