starting anew.

Finally, may blog narin ako after weeks of telling everyone na magkakaroon ako. By the way, Taglish ako magpo-post ha? I just want the words to come out smoothly na parang ako talaga ang nagsusulat. Kasi minsan feeling ko kapag nag pure English or Filipino ako, parang pilit. I’m not a very good writer. Tama lang. This is like my 5th blog. My first was in tabulas, then two each sa blogger at livejournal. Kumusta naman dabah? Wala talaga akong disiplina magsulat at kadalasan wala naman talaga ako masusulat kasi medyo boring ang life ko. Pero ngayon, I will try my very best to write every Friday para wala naman masyadong pressure kasi kung everyday,baka maubusan ako ng sasabihin. I’m not even sure if anyone would even bother to read what I have to write. Still, I will promise that every entry would be sensical, kaya nga “Jhong’s trying to make sense” ang title ng blog. I just made my url simply jhongvalencia.blogspot.com para hindi ko makalimutan at madaling tandaan. Yeyeyeye!

Before I forget, I would like to thank muchy much Karen Victoriano for my banner. Love you much for taking the time para sa aking kaartehan. Galing mo ever! And to Kat, for fixing everything last night. Maraming Salamat!

So what would I write in this blog? Malamang puro kabaklaan ! Harhar! My posts would range from anything gay, anything books, movies, television shows and broadway. Pero sa totoo lang, gusto ko magsulat about values and life lessons. Syempre without being too preachy. Ayoko naman mag-sermon at hindi rin naman ako nag-fi-feeling na santo. Hindi ako santo. Santa lang. Ngyeeeeeeeeeeeeeeeeee!

Since I’m still not in the mood to write a proper blog, I would just like to share a kwento na nangyare sa akin ngayong Thursday. I was in 2pol2 when I saw a copy of the new issue of the Varsitarian. There was an article about the recently concluded Gawad Ustetika, a writing contest in UST. Sumali ako dito at sa kasamaang palad, natalo ang dalawa kong entry. Nagsulat ako sa category na TULA at KATHA. Nag-expect pa naman ako. Harhar! Well, may next time pa naman. Gusto ko lang i-post yung dalawa sa mga tulang sinulat ko na part ng collection ko na may title na “Aparador” which is obviously about a gay man’s life in and out of the closet. Kahit hindi ito nanalo, sobrang proud parin ako sa gawa ko. Love your own, ika nga.


SA LABAS NG APARADORR

Sabi ko kay nanay, “Bakla ako.”
sampal sa mukha
walang katapusang sermon.

Sabi ko kay tatay, “Bakla ako.”
suntok sa mukha
pasa ang napala.

Sabi ko kay kuya, “Bakla ako.”
pagdura
kandadong pinto.

Sabi ko kay ate, “Bakla ako.”
malakas na halakhak
hahahahaha!

Sabi ko sa mga kaibigan, “Bakla ako.”
pagsira sa tiwala
paglayo.

Sabi ko sa mundo, “Bakla ako.”
pangungutya,
pag-apak sa pagkatao.

Sabi ko sa sarili, “Bakla ako.”
ngiti,
malaya na ako.



NGAYONG GABI NA PUNO NG LIWANAG


tayo ay magsasama
ngayong gabi na puno ng liwanag
babalutin
ang kapaligiran ng katahimikan.
walang hangin ang iikot
maliban sa hininga ng isa’t isa
nakapinid
ang pinto
lalapit ka sa akin
dahan-dahan
nakaharap
kaba’y nararamdaman
maikli lamang
ang distansyang namamagitan
titingin ka sa aking mga mata
hahawakan ang mga kamay
dahan-dahang aakyat
sa aking bisig
sa dibdib
balikat
leeg
mukha
kay lalim ng iyong titig
bihag mo ako
maglalaro ang iyong mga daliri
sa aking labi
lalapit ang iyong mukha
maglalapat ang ating mga bibig
madiin
magdidikit
magsasama
maglalaro
ating mga dila
maghahalo ang laway
sa pagbigat ng hangin
matatanggal ang saplot
sa katawan natin
ihihiga mo ako sa iyong kama
hahaplusin at yayakapin
aangkinin mo ako
ako ay ikaw
ikaw ay ako
tayo ay isa
ngayong gabi na puno ng liwanag



Well, that’s it. Thank you for taking the time to even read this. Sana ay may napulot kayong aral sa aking mga sinulat kahit mukhang wala naman talaga. Magsusulat ako ulit ng bagong entry next week at sana mas makubuluhan iyon kaysa dito. Kahit huwag na kayo mag-comment, okay lang. Ganyan naman kayo eh. Joke. Oi, comment na kayo pleeeeaaaasseeee? =)


Random Notes:

*Bat si Jon ang tinanggal sa pbb?!?!??!?!?! Aaaarrrggghhh! Kill, Riza/Ryza! Di ko alam spelling eh.
*Tapos ko na yung “She’s Come Undone” na book. asteEg, in all fairness to the writer!
*I have to finish “Love in the Time of Cholera” naman.
*I haven’t even read a chapter of the Karunungan. Good Luck sa akin.
*Hindi ko pa napapanood yung “Sakal, Sakali, Saklolo” or any other movies in the filmfest. Kainis!

12 comments:

Meng January 4, 2008 at 12:19 AM  

ako rin. 2 pa lang nababasa ko sa karunungan. kaya natin to! oha oha!
i like your poem Sa Labas ng Aparador. :) very enlightening. hehe. keep on writing jhong :D

ker January 4, 2008 at 12:43 AM  

yaaaay jhonggg! nagbalik ka na rin sa blogging world. nyahahaha. ^_^ punta ka rin sakin. :P i like your poems. syang di nanalo. di bale, may next time pa. :D btw, this is karen. ^_~

http://qtme.bravejournal.com
http://yodonome.livejournal.com

jhong January 5, 2008 at 2:48 AM  

@meng:
di ko nga alam king magagawa ko pa yang karunungan eh. pero i'll try.

jhong January 5, 2008 at 2:49 AM  

@michelle: cge, i'll visit your blog. thanks for the comment about my poem. sayang nga, di nanalo. may next time pa naman eh. =)

Anonymous January 9, 2008 at 12:16 AM  

gusto ko rin ung pang baklang poem mo...simple but full of sense.-rayne

jhong January 10, 2008 at 12:07 AM  

@tan: thanks rayne! pinaghirapan ko talaga yan. ahahahahaah! luv it.

Anonymous January 10, 2008 at 1:42 AM  

Ü friday na bukas.

jhong January 10, 2008 at 1:35 PM  

@anonymous: kaw ba c kat? aahahhah!

maffi January 11, 2008 at 7:31 AM  

well..kuya jhong..sisikat kna!pagpatuloy mu lang yan!heheh.., labyu..

jhong January 11, 2008 at 7:38 PM  

@maffi: ongae! natatakot na ko sa nalalapit kong fame. ahahahhaah! =)

Anonymous January 12, 2008 at 4:05 AM  

patrick john. grabe. pinagkahanap-hanap ko kung pano mag-comment. tanga ko talaga! haha. wow may blog ka na uli. sana hindi iyan maging one-month blog ha. good luck!!! :)

pasensya na kung mahaba tong comment ko, may i-she share lang akong anekdota.
ewan ko ba kung anekdota ba talaga itech. <-(nakikibagay sayo) :)

isang araw, nung sinearch ko yung pangalan ko sa google, may natagpuan akong isang napaglipasan na ng panahon/
pinabayaan/kinalimutan/
na blog.. at kay jhong iyon! aliw.

sana napulot mo.

ayun. sana nag-make sense ren ak sa mga sinabi o sinulat ko sa comment na to. gaya ng lage kong sinasabe, miss na kita. di mo lang alam. so ngayon, alam mo na! :) hanggang sa muli!!!

P.S. at ngayong tapos na ang mahaba kong comment, nabasa ko naman yung nakasulat sa baba nito! bwiset. katangahan strike 2!

hulaan mo nalang kung sino ak.

jhong January 14, 2008 at 3:51 AM  

@anonymous: hoy margee!!!! ahahahah!

About The Writer


Jhong Valencia spends most of his time surfing the net, downloading tv series, watching movies, writing blog entries, reading books, smoking cigarettes and drinking coffee. He's 21 years old.