I just lost my worth at exactly 2:26 am.
God, I feel so rejected.
Babalik ka rin.
Yehey bago na layout ng blog ko! Dapat talaga gagawa ako ng bagong blog sa wordpress kaso naisip ko na balikan ito dahil dito nagsimula ang lahat para sa akin. Hindi ito ang una kong blog. Siguro pang-lima ko na yata ito. Ayoko nang lumipat sa bago, tapos titigil lang din ako ulit.
Ganito nga din kasi ang nararamdaman ko ngayon. Kahit anong gawin ko sa buhay at kahit saan man ako magpunta, babalik at babalik parin ako sa pagsusulat. Ito ang nagsisilbing outlet ko sa bawat nararamdaman sa kasalakuyan.
Hindi madali para sa akin ang pagsusulat. Madalas ay ipinagliliban ko ito. Magsusurf sa internet, mafefacebook, twitter. Pag dinatnan na ko ng antok, matutulog na at ipapangakong kinabukasan nalang ako magsusulat. Pero sadly, umuulit lang ang ginagawa ko. Hindi na naman ako magsusulat. Sakit ko na yan matagal na.
Ngayon ay maraming nakapilang istorya na dapat isulat. Dalawa para sa Palanca at isa para sa scriptwriting contest ng Film Development Counil of the Philippines (FDCP). Oo, sasali na naman ako! Dati ayokong sinasabi na sasali ako sa kahit anong contest dahil baka lamang ma-jinx ito. At takot ang isipin ng mga tao na umaasa lang ako o kaya nagyayabang na baka manalo. Ngayon ay wala na akong pakialam. Sasalihan ko kung ano man ang gusto ko at bahala na ang Diyos kung ano ang kahihitnatnan ng mga ito.
Tatlong kwento sa aking isipan: dulang may isang yugto at dalawang dulang pampelikula. Wala pa akong nasisimulan kahit isa. Tamo, inuna ko pa ang pagba-blog kaysa doon. April 30 ang deadline para sa Palanca at sa May naman ang FDCP. Dati na akong sumali sa Palanca. Dalawang categories din ang ipinasok ko. Talo pareho!
Ganunpaman, hindi ako nadi-discourage sa pagiging talunan. Para sa akin ay sa mga talong gawa ako natututo. Ang importante ay ang hindi sumuko. Sulat lang ng sulat. Sali lang ng sali. Malay mo makatsamba.
Kapag tinatanong ako kung masarap ba ang magsulat, lagi kong sagot ay hindi. Masarap ang NAKAPAGSULAT NA. Napakamadugo ng proseso ng pagsusulat. Kung minsan ay para bang nababaliw na ako. Nagiging autistic. Kadalasan masungit. Parang nireregla. Hindi mo ako makakausap ng matino kapag nagsusulat dahil ang atensyon ko ay nasa mga karakter na aking binubuo at storyline na pilit kong itinatahi hanggang sa ending.
Ang masarap nga ay ang nakapagsulat na. Kapag tapos na ang kwento at handa nang ipabasa sa mundo. Para akong nag-labor ng ilang buwan at ang tunog ng printer ang nagsisilbing pag-iri habang lumalabas ang final draft na itinuturing kong aking baby.
Hindi ko alam kung ito na talaga ang aking magiging hanapbuhay. Hindi ko din alam kung magiging successful ako sa aking tinatahak na landas. At lalong hindi ko alam kung ilang contest pa ang aking sasalihan, manalo man o matalo. Ang sigurado ay habambuhay akong magsusulat. Malamang ay titigil ako pansamantala, buwan o taon man. Pero alam ko na babalikan ko ito. Magsusulat akong muli. Ito lang ang alam kong gawin. Dito ako masaya. Dito ko nahahanap ang sarili ko.